IQNA

Ang Bunsong Qur’anikong Mangangaral sa Mundo ay Isang Sampung Taong-gulang na Ehiptiyano

17:15 - July 20, 2022
News ID: 3004330
TEHRAN (IQNA) – Isang sampung taong gulang na batang lalaki mula sa Ehipto ang inilarawan bilang pinakabatang mangangaral ng Qur’an sa mundo.

Si Adam Muhammad Ali Ismail ay binigyan din ng iba pang mga titulo tulad ng "nightingale ng Qur’an" at "nightingale ng Islam" para sa kanyang mga kakayahan sa pangangaral at mahusay na pagsasalita, iniulat ng Al-Bawabah Balita.

Siya ay isang mag-aaral sa ikatlong baitang at nag-aaral sa isang elementarya na kaanib sa Al-Azhar Islamikong Sentro.

Si Adan ay may sariling istilo sa relihiyosong pangangaral na pinuri ng mga iskolar at mga dalubhasa sa Qur’an sa Ehipto.

Ang kanyang mga sermon ay nai-broadcast sa Al-Rahmah satellite TV channel, na ang mga palatuntunan ay nakatuon sa Qur’anikong mga agham.

Ang batang Ehiptiyano ay napakahusay din sa pagbigkas ng Qur’an at may kasanayan sa mga tuntunin ng Tajweed.

Nagsimula siyang mag-aral ng Qur’an sa edad na 3.5 at nakatanggap ng maraming mga sertipiko at parangal para sa kanyang mga nagawa sa larangan.

"Nais ng aking ama na maging isang atleta ako ngunit mahal ko ang Qur’an," sabi ni Adam.

Tinutukoy niya ang yumaong mangangaral at mananalumpati na si Sheikh Muhammad Metwalli al-Sha’rawi bilang kanyang huwaran sa pangangaral.

Si Sha'rawi (1911-1988) ay isang iskolar ng Islamiko, dating ministro ng Awqaf ng Ehipto at Muslim huwes. Siya ay tinawag na isa sa pinakasikat at matagumpay na mga mangangaral ng Islamiko sa hipto, at "isa sa mga pinakakilalang simbolo ng sikat na kulturang Ehiptiyano" noong 1970s, 1980s at 1990s.

 

 

3479755

captcha